Ang tumakbo ng matulin ay certified number 1 snatcher!

Home » Archives » 02. November 2007

Bad News! Good News!

November 2, 2007

October 3 2007 12 o' clock ng tanghali  tumawag ang aking asawa sa telepono at para magbalita ng bad news. Ninakaw daw ang alaga kung manok. Na shock ako! Kaya nagmadali akong umuwi, pagdating ko sa bahay may good news nahuli ang mananakaw at nandoon daw sa tanggapan ng barangay, pinuntahan ko ang tanggapan ng aming baranggay, at doon nakaharap ko ang mga magnanakaw hawak ang ninakaw na manok at ako ay nagulat dahil menor de edad ang mga walanghiya. Sa bi ko sa desk officcer " Ano dapat ikaso sa mga yan" "pwede ba ipakulong amg mga yan?" sagot sa akin ng desk officer "hindi puwede ipakulong amg mgfa menor de edad iturnover na lang daw sa DSWD." Pagdating sa DSWD pinangaralan ang mga walanghiya, pinatawag ang mga magulang. Tapos tinanong ako kung tutuloyan ko ba ang mga walanghiya, sabi ko "sige tuloyan na yan para mabawasan ng magnanakaw sa lugar namin." Sabi nila hindi raw puwede kasi menor de edad. Narekober ko naman daw yung manok patawarin ko na lang daw. Sabi ko okey yan ang batas bawal magpakulong ng menor de edad na magnanakaw patatawarin ko na lang. Sa tingin nyo tama ba yung ginawa ko, hindi ba ako argabyado sa pangyayari , puwede ko bang isampa ang kaso sa MERALCO  para may liwanag ang buhay o kaya sa DOLE  kasi  menor de edad pa sila pasok pa sa child labor code?

Posted by originalsigbin at 3:02 pm | permalink | comments[2]