Ang tumakbo ng matulin ay certified number 1 snatcher!

Home » Post Item » KASAYSAYAN NG BUHAY NI AMPOG

KASAYSAYAN NG BUHAY NI AMPOG

September 9, 2007

Nung ako ay bata pa hindi ko po naranasan ang pagmamahal ng isang ama, puro pasakit at kalupitan ang aking naranasan. Maraming pangyayari ang hindi ko makalimutan.  Sariwa pa sa aking alaala noong akoy bata pa, isang gabi habang mahimbing na ang tulog ko, umuwi galing sa sabungan ang aking ama-amahan at lasing sa kapangyarihan ng alak, biglang lumapit sa papag na hinihigaan ko at biglang dinampot ang kaawawang bata (ako yon), at hinagis palabas ng bintana, sabi nya "malas ka sa buhay ko". buti na lang at may mabait akog lolo (isang beteranong sundalo panahon mg hapon) kinuha ang hinagis na bata at pinapasok sa loob ng bahay, mula noon ang aking lolo ay naging superhero (Darna!) ipinagtatanggol nya ang mabait at pogi nyang apo sa mga mang-aapi. Lumipas ang mga taon dumating na ang kinakatakutan ko nag retire na si superhero ,iste lolo pala, 12 years na ako non at tule na. nakaranas na naman ako ng hindi kanaisnais nang sinapian ng ispirito na alak ang malahalimaw kung stepfather. Isang arw   nagtanong ako sa nanay ko, bakit ako nakakaranas ng mga pasakitna ganito.sabi nya "tiisin ko lang daw at malalagpasan ko ang lahat ng pagsubok sa buhay". Pero hindi ko kaya tiisin kaya napilitan akong umalis sa aming munting tahanan, sa murang edad naglayas ako nag palipatlipat ako sa nga kamag-anak ko hanggang sa lumipas ang mga taon natapos ko ang kursong high school sa sariling sikap at tulong ng mga kamag-anak ko. umuwi ako sa nanay ko sabi ko " gusto ko mag aral ng college sa elementary" pinapunta ako na cebu para mag-aral, pero lumipas ang mga ilang buwan hindi na ako nakatanggap ng allowance galing sa nanay ko, kaya huminto ako sa pag-aaral ng college naghanap ako ng trabaho para makasurvive sa mundong ibabaw. sinubukan ko rin hanapin ang tunay kung ama balita ko sa cebu daw nakatira ayon sa nanay ko.

Posted by originalsigbin at 5:58 pm | permalink

Previous Comments

ay naku! di ba sabi ko sayo itigil mo na yang pagdru-drugs mo. ano na namang katarantaduhan yang pumasok sa kukote mo at bigal ka nagdradra-drama diyan. ilang ulit ko ba sasabihin sa iyo na hindi ka tao, kaya wag ka magpanggap. isa ka lang noo na tinubuan ng mukha at katawan. magtigil ka nga!

Posted by Bertong Balibag at September 11, 2007, 1:17 pm

isa ka palang nakakaawang wounded child…nakakatakot! ngayon ko lang nagpag alaman ang masamang epekto ng pagmamaltrato sa bata…nakakarimarim…napakadrama…iyan siguro ang dahilan kung bakit makintab ang iyong bubumbunan…at kung bakit ka naging isang malapad na noo…

Posted by thriller at September 11, 2007, 1:32 pm

Add a comment