Bad News! Good News!
November 2, 2007
October 3 2007 12 o' clock ng tanghali tumawag ang aking asawa sa telepono at para magbalita ng bad news. Ninakaw daw ang alaga kung manok. Na shock ako! Kaya nagmadali akong umuwi, pagdating ko sa bahay may good news nahuli ang mananakaw at nandoon daw sa tanggapan ng barangay, pinuntahan ko ang tanggapan ng aming baranggay, at doon nakaharap ko ang mga magnanakaw hawak ang ninakaw na manok at ako ay nagulat dahil menor de edad ang mga walanghiya. Sa bi ko sa desk officcer " Ano dapat ikaso sa mga yan" "pwede ba ipakulong amg mga yan?" sagot sa akin ng desk officer "hindi puwede ipakulong amg mgfa menor de edad iturnover na lang daw sa DSWD." Pagdating sa DSWD pinangaralan ang mga walanghiya, pinatawag ang mga magulang. Tapos tinanong ako kung tutuloyan ko ba ang mga walanghiya, sabi ko "sige tuloyan na yan para mabawasan ng magnanakaw sa lugar namin." Sabi nila hindi raw puwede kasi menor de edad. Narekober ko naman daw yung manok patawarin ko na lang daw. Sabi ko okey yan ang batas bawal magpakulong ng menor de edad na magnanakaw patatawarin ko na lang. Sa tingin nyo tama ba yung ginawa ko, hindi ba ako argabyado sa pangyayari , puwede ko bang isampa ang kaso sa MERALCO para may liwanag ang buhay o kaya sa DOLE kasi menor de edad pa sila pasok pa sa child labor code?
SUNDAY MORNING
September 13, 2007
I remember when I was young, as a 4 years old kid (a baby goat) feeling sick on Sunday morning. We woke up early that day, I don't know why. Maliligo kami bibihisan ng magagarang damit at lalagyan ng "Three Flower" (pomada) ang buhok namin para daw cute. Tapos pupunta kami sa malaking bahay na kulay puti ang pintura (church) magdadasal ng taimtim. pero nagtataka ako kung bakit lagi kami kasama pag linggo. Hindi ko naman naintindihan yung mga sinasabi doon, ang nasa isip ko ay maglaro lang at kumain ng madami kasi matakaw ako. Bawal magsalita ng masama doon (magmura) at magsinungaling. Ano dapat kong gawin? Lalapit ba ako sa ABS CBN, Bantay Bata 163, DSWD. KMU, at mga TODA (triicycle operators drivers association) sa lugar namin para maaksyonan ang problema kong ito. Sa ngayon ako ay namumuhay ng normal at kumakain ng tatlong beses sa isang araw.
Nowadays, I still wake up early on a Sunday, and I immediately go to the nearest drugstore to score a fix "drugs" (narkotiko, ipinagbabawal na gamot,) upang humuthot ng adik . Is this legal at my age?
KASAYSAYAN NG BUHAY NI AMPOG
September 9, 2007
Nung ako ay bata pa hindi ko po naranasan ang pagmamahal ng isang ama, puro pasakit at kalupitan ang aking naranasan. Maraming pangyayari ang hindi ko makalimutan. Sariwa pa sa aking alaala noong akoy bata pa, isang gabi habang mahimbing na ang tulog ko, umuwi galing sa sabungan ang aking ama-amahan at lasing sa kapangyarihan ng alak, biglang lumapit sa papag na hinihigaan ko at biglang dinampot ang kaawawang bata (ako yon), at hinagis palabas ng bintana, sabi nya "malas ka sa buhay ko". buti na lang at may mabait akog lolo (isang beteranong sundalo panahon mg hapon) kinuha ang hinagis na bata at pinapasok sa loob ng bahay, mula noon ang aking lolo ay naging superhero (Darna!) ipinagtatanggol nya ang mabait at pogi nyang apo sa mga mang-aapi. Lumipas ang mga taon dumating na ang kinakatakutan ko nag retire na si superhero ,iste lolo pala, 12 years na ako non at tule na. nakaranas na naman ako ng hindi kanaisnais nang sinapian ng ispirito na alak ang malahalimaw kung stepfather. Isang arw nagtanong ako sa nanay ko, bakit ako nakakaranas ng mga pasakitna ganito.sabi nya "tiisin ko lang daw at malalagpasan ko ang lahat ng pagsubok sa buhay". Pero hindi ko kaya tiisin kaya napilitan akong umalis sa aming munting tahanan, sa murang edad naglayas ako nag palipatlipat ako sa nga kamag-anak ko hanggang sa lumipas ang mga taon natapos ko ang kursong high school sa sariling sikap at tulong ng mga kamag-anak ko. umuwi ako sa nanay ko sabi ko " gusto ko mag aral ng college sa elementary" pinapunta ako na cebu para mag-aral, pero lumipas ang mga ilang buwan hindi na ako nakatanggap ng allowance galing sa nanay ko, kaya huminto ako sa pag-aaral ng college naghanap ako ng trabaho para makasurvive sa mundong ibabaw. sinubukan ko rin hanapin ang tunay kung ama balita ko sa cebu daw nakatira ayon sa nanay ko.
SIno ang tunay na BLOG
September 3, 2007ako po si ian roy, isinilang ng aking ina na isang normal at malusog na
. Noong makilala ko si Bertong Balibag, nag-iba ang aking pagkatao, pakiramdam ko ay unti-unti na akong nagiging isang autistic. Isang araw, nagusap kami ni Bertong Balibag tungkol sa blog, sabi niya gumawa raw ako ng Blog, Sabi ko "Ano ba ang Blog?", iyon ba ang pag nalaglag ka mula sa 4rth floor hanggang ground floor at may malakas na tunog na "BLOG!"? o pag nag-sara ka ng pinto na pabigle at may malakas rin na tunog na "Blog!"? Sabi ni Berto "Gago! ang blog ay isang grupo ng mga musikero na nakasalamin na itim, presidente nila ang namayapa na si Willie Garte. Ako'y nag-isip ng matagal habang nakatingala sa malawak na karagatan at kabundukan. (nakatingala?) Tama! Tumpak! Jackpot! Peklat! Belat! un pala ang ibig sabihin ng Blog. Kaso sila ay nalaos at naging mga masahista na lamang ang mga ito sa Majestic (isang sauna bath sa caloocan).


